Saturday, January 12, 2013

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat, at Maligayang Kaarawan kay Lolo!

Manigong bagong taon Pilipinas! Ako'y nagbabalik para maghandog muli ng mga istorya galing kay lolo. Pasensya na kayo't hindi ko kayo nakekwentuhan noong maraming nakalipas nang mga araw at buwan, at taon, dahil sa dami ng mga pangyayari ay wala akong pagkakataon na pakapag-post ulit.

Sa ibang balita, 2013 na! Taon ng mga ahas. Emerald daw ang swerteng kulay ngayong taon. Swerte rin daw ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng mga taon ng ahas. Sana ay maganda ang simula ng mga taon ninyo, dahil siguradong yaon din ang gusto ni lolo para sa inyo.

Sa iba pang balita, Kaarawan ni lolo noong Enero 4! Maligayang kaarawan lolo! Miss ka na namin! ang sumunod ay kaarawan naman ni lola, noong Enero 10, at kaarawan naman ng pangalawang anak nila maya-maya lang, Enero 13, kaya naman, Maligayang araw sa  inyong lahat! :D

Sa mga may kaarawan ngayong Enero, maligayang kaarawan rin sa inyo!

Sa pagpasok ng bagong taon, pipilitin kong maghandog muli ng mga bagong istorya (oo marami pa!) sa mga nalalapit na mga araw. sa mga sumusubaybay pa rin kahit hindi ako nakapag-post, maraming salamat! mabuhay kayo!

Monday, November 8, 2010

Eroplano

Ang kwentong ito ay inilahad sa akin ng aking tita na si tita liway.

ito raw ay noong nasa air force pa si lolo emong. noong mga panahong iyon ay hindi pa raw nakakasakay ng eroplano si lolo emong, hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon.

sa burol ng isa sa mga sundalong may mataas na posisyon, nangailangan ng isang taong maaari o gustong sumama para maglaglag ng mga bulaklak galing sa himpapawid. malamang ay makakasakay siya ng eroplano.

"Ako! Ako!" sabi naman ni lolo emong. dahil nga hindi pa siya nakakasakay ng eroplano at gusto rin niya sumakay.



napakasaya ni lolo emong noon at nakasakay na siya sa eroplano.

nang papalapit na sila sa puntod ng sundalo ay sinabihan na siyang ihanda na ang mga bulaklak na ilalaglag.

ngunit noong papalapit na ang eroplano ay dumausdos ng mabilis ang eroplano pababa na tila nasa rollercoaster ka at pakiramdam mo'y maiiwan na ang puso mo sa ere.

"Sige ilaglag mo na!" sabi ng sundalong kasama ni lolo emong.

nilaglag niya ang mga bulaklak pero hindi niya nilahat, sapagkat sabi ay babalik daw ang eroplano.

sa pangalawang balik ng eroplano ay gayun ding dumausdos ng mabilis pababa at ganoon ulit ang naramdaman ni lolo emong.

pero sa pangalawalang pagkakataon niyang maglaglag ng bulaklak ay ITINAPON NA NIYA LAHAT NG BULAKLAK!

"Meron pa ba??" tanong ng sundalong kasama niya.

"WALA NA WALA NA!" sagot naman ni lolo emong.

---

nung susunod na nangailangan ulit ng volunteer para maglaglag ng bulaklak galing sa ere ay hindi na ulit nagvolunteer si lolo emong.

Friday, October 1, 2010

Uang

Hinding hindi ko makakalimutan itong isang kwento ng aking Lolong si Lolo Emong (asawa ni Lola Nora). Sa katotohanan hindi ko talaga maalalang ikinwento ito ng lolo sa akin, pero natatandaan ng kapatid ko na ikinwento sa kanya ng aming lolo ito kaya siguro nakalimutan ko lang. Muli ko lang ulit naalala noong ikinwento na ng aking ina.

Ito ay isang kwento tungkol sa isang BEETLE.


HINDI HINDI THE Beatles, Beetle na UANG ano ba!


ayan!

-----

UANG
by Lolo Emong

Isang araw sa isang palasyo, mas malayo pa sa kung saan man, may isang haring may anak na prinsesa. Nang naging nasa tamang edad na para mapakasal ang kanyang prinsesa, nagpasya ang prinsesa na gusto na niyang magpakasal. At dahil ang totoo ay ayaw talaga nyia mapakasal ang kanyang anak na babae, nagpasya na lamang ang Hari na may magaganap na paligsahan sa palasyo.

Ang sino mang binata na makakapagkwento sa kanya, at hindi titigil sa pagkwento hangga't hindi sinasabi ng Hari ay siyang mapapakasalan ng kanyang prinsesa. Kung tumigil man ang binata sa pagkwento, ang kahihinatnan ng binata ay ipapakain siya sa mga leon.

Naisip niyang wala naman talagang kwento na ang haba ay katulad nalang ng layo ng isang bahaghari, at walang makakapagkwento ng ganoon kahaba, kaya walang makakapakasal sa kanyang anak. Tahimik na ngumisi ang hari sa kanyang magandang ideya.

Tatlong binata ang dumating sa
Simulan na ang pagpili!

Ang unang binatang humarap sa kanila ay isang matangkad, katamtaman ang kulay, at matipunong binata na siya namang isang tingin pa lamang ay maaari ka nang matunaw.

"Maaari ka nang magsimula, binata." sabi ng Hari.

Nagsimula na ang binata sa pagkwento. Subalit hindi pa sinasabi ng Hari na tumigil ang binata sa pagkwento ay natapos na ang kanyang kwento.

"Natapos ang iyong kwento! Dalhin sa kabilang kwarto para ipakain sa mga leon!" sabi ng Hari.

Sumunod ang pangalawang binata. Hindi kagaya noong naunang binata, ito namang isa ay maliit at mataba. Pero di rin katulad ng naunang binata, mukha siyang mayaman, sa kadahilanang mapapansin sa kanyang kasuotan ang bahid ng kayamanan.

"Maaari ka nang magsimula, binata." sabi ng Hari.

Nagsimula na ang binata sa pagkwento. Mas matagal nang nagkekwento ang binatang ito, mas matagal pa sa nauna.

"Ito na yata ang mapapakasalan ng aking Prinsesa." sa isip-isip ng Hari.

Subalit bago pa natapos ang pangungusap na binubuo ng Hari sa kanyang utak ay biglang natapos ang kwento ng binata!

"Natapos ang iyong kwento! Dalhin sa kabilang kwarto para ipakain sa mga leon!" sigaw ng Hari.

Nang inilabas na sa silid ang pangalawang binata ay ipinasok naman ang isang binatang nagngangalang Pedro. Di katulad ng naunang dalawa, mapapansin natin kay Pedro na isa lamang siyang simpleng binata. Simple ang damit, pero may itsura.

"Maaari ka nang magsimula, binata." sabi ng Hari.

Nagsimula ang binatang magkwento.

"Isang araw, may mag-asawang uang. Ang trabaho ng mag-asawang uang ay itulak ang isang galong tubig ng isang kilometro ang layo mula sa kung nasaan man sila. Maraming galon ng tubig ang naghihhintay na maitulak, subalit dahil dalawa lang sila ay wala silang ibang solusyon kung hindi ay itulak na lamang ito ng paisa-isa."

"Nagsimulang magtulak na ang mag-asawang uang. Naglakad sila ng naglakad ng naglakad ng naglakad..."

Tuloy-tuloy lamang sa pagsabi si Pedro na naglalakad pa rin ang mag-asawang uang. Paminsan sa mga kalagitnaan ng paglalakad ng mga uang ay paminsang isinisingit ni Pedro ang pinag-uusapan ng mag-asawa. Mga tsismis, balita, at kung anu-ano pa. Pagkatapos noon ay balik si Pedro ng pagsasabing tuloy pa rin sila sa paglalakad.

"naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad ng naglakad..."

Sa tagal ng kwento ni Pedro ay nainis na at nainip na ang Hari.

"O siya! ikaw na! ikaw na! Maaari mo nang pakasalan ang aking anak! itigil mo na ang iyong pagkwento!" sambit ng Hari.

Napakasal na si Pedro at ang Prinsesa, at masaya na an Hari.

Dito nagtatapos ang kwento ng Hari at ni Pedro, pero hindi pa doon nagtatapos ang kwento ng mag-asawang uang.

"naglalakad pa din sila ng naglalakad ng naglalakad ng naglalakad ng naglalakad ng naglalakad ng naglalakad ng naglalakad..."

Thursday, September 30, 2010

Duyan

*Kwento ng Inay at Tita*

Mga Tauhan:
Tamoneneng - Apo ni Lola Bisyang
Lola Bisyang - Lola ni Tamoneneng



-----

Tamoneneng: Lola! ikwento ninyo nga po ulit yung boypren nyo!

Lola Bisyang: aba! eh ayun eh hindi ko naman talaga gusto! Isang araw kasi natutulog ako sa duyan. Tapos natutulog ako eh hinalikan ako! aba! eh akala ko naman noon ay pag hinalikan na ay mabubuntis na! Napakasalan ko tuloy.

Gamot sa Kuto

Mga Tauhan:
Tamoneneng - Kapatid ni Alikabakbak
Alikabakbak - mas batang kapatid ni Tamoneneng
Lola Bisyang - Lola nila Tamoneneng at Alikabakbak
Lola Nora - inay nina Alikabakbak at Tamoneneng, anak ni Lola Bisyang



-----

Alikabakbak: Ba, ano ba kasing gamot sa kuto??

Tamoneneng: ABA! eh bakit mo naman gagamutin ang kuto?? may sakit ba ang kuto?? pinapatay nga iyon eh tas gagamutin mo??

-----

di naman talaga kasali si lola basyang pero nung narinig niya ang pag-uusap nila Maria at Bong eh tawa naman si lola!

hanggang sa...

HALA! nahimatay si lola!

sige naman sila sa ospital!

simula noon, kapag makikita na ni Lola Basyang ang dalawa ay tatawa ulit ng tatawa si lola!


-----

Lola Nora: ay siya wag ka nga muna magpakita kay lola mo't baka kung ano na naman mangyari sa kanya!

Alikabakbak: eh bakit ako?? ayan jan si Tamoneneng kung ano-ano sinasabi eh!

Tamoneneng: ako?? ikaw kasi tanong ka ng tanong eh!

Mga Kwento ni Lolo

Aba'y mabuhay ka't naparito ka sa blog na ito!

maligayang bati naman sa iyo.

Maraming mga kwento si lolo na gusto niyang ibahagi sa inyong mga mambabasa. Nais niya'y malibang kayo sa mga susunod na mga post.

Dito sa Mga Kwento ni Lolo ay nais namin ibahagi ang mga kwento ng aming mga kalola-lolahan hanggang sa henerasyon ng mga anak ng aming mga lolo't lola na talaga namang nagpatawa sa amin, at nagpa-miss sa aming mga lolo't lola at mga kalolohan at kalolalolahan.

Kami'y mguupdate paminsan-minsan, at unti-unting ibabahagi sa inyo ang mga ilan sa mga hindi makakalimutang mga kwento sa amin tungkol sa aming mga lolo't lola at mga kalolohan at kalolalolahan.

Sana'y magenjoy, at pakabait tayo mga iho't iha.

maligayang pagbasa! :)